Hinobaan, Negros Occidental

Monday, October 29, 2012

Pinas, aking minamahal

Balik Pinas naman ako.

Pero hanggang Manila lang.

Nakakalungkot din insipin na hindi nga talaga ako makakauwi sa probinsiya namin. Malasahan man lang ang paborito kong luto ng Lola. Makita, makasama at maghagkan ang aking pamilya at kaibigan. Makakain ng mga paborito kong pagkain na lagi kong inoo-order sa mga paborito kong kainan.

Sabi ko nga, pagdating ko nang Pinas, hindi ko palalampasin ang Jollibee. Hindi ko nga pinalampas ang N2. 'Yun ang Spaghetti meal na may Yum burger, drinks at French fries. Habang pumipila ay tinitigan ko ang menu na para bang gusto kong orderin lahat ng nandun maliban sa chicken meal. Beef steak, Shanghai, Beef and mushroom at ang Palabok naway parang kinikindatan ako. Problema ko lang ay paano ko kakainin ang lahat ng mga iyon.

Pero nakontento na ako sa N2 ko.

Hindi ko rin pinalampas ang Greenwich lasagna. Pero sandali lang, bakit lumiit at naging manipis ang lasagna?

Di ko din pinalampas ang pagkain nang pork inasal habang umoorder ang mga kasamahan ko ng isaw at tenga! Na parami ata yung pagkain ko lalo na nang bumili kami ng chicharon.

Pabalik na ako ulit sa tinuturi kong pangalawang tahanan, buti na lang ang inaasam-asam na lechon ay nabitbit ko.

No comments: